Paghikayat ni dating PRRD sa mga sundalo na bumawi ng suporta kay PBBM, dapat bantayang mabuti

May impormasyon si dating Senator Antonio Trillanes IV na may mga sundalo pa rin na nakikisimpatya sa mga Duterte pero duda siya na isa-sakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay, kalayaan at career.

Gayunpaman, iginiit ni Trillanes na dapat tiyakin na wala talagang makukuhang malaking suporta mula sa mga sundalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil kapag nagkataon ay magiging malaking problema ito.

Pahayag ito ni Trillanes, makaraang hikayatin ni dating Pangulong Duterte ang mga sundalo na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Bongong Marcos Jr.


Giit ni Trillanes, dapat managot si Duterte dahil ang panawagan nito ay isang krimen o malinaw na “sedition.”

Si Trillanes ay humarap sa ika-12 pagdinig ng House Quad Committee kung saan niya idinetalye ang sinasabi niyang Duterte Drug Syndicate na isa pa aniyang kahulugan ng DDS.

Facebook Comments