Paghilom sa bansa, mangyayari lamang kung maibabalik sa bansa si FPRRD

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mangyayari lamang ang paghilom mula sa mga sugat sa mga nangyari kapag naibalik sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang reaksyon ni Dela Rosa ay kaugnay sa idaraos na pagdinig ng Senado patungkol sa naging pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte.

Umaasa ang senador na magiging lunas sa pagkakati-hati ng mga Pilipino ang motu proprio investigation ng Senate Committee on Foreign Relations na pangungunahan ni Senator Imee Marcos.


Subalit, sinabi ni Dela Rosa na lubhang malalim na ang sugat na naranasan lalo na sa kampo at mga kaalyado ni Duterte kaya’t sa ngayon ay wala siyang nakikitang agarang lunas sa nangyaring pag-aresto sa dating pangulo maliban na lamang kung maibabalik sa bansa si Duterte.

Samantala, hindi naman tiyak ni Dela Rosa kung makadadalo siya sa nasabing pagdinig at kung sakali man ay wala rin siyang magagawa dahil naroroon na sa The Hague ang dating presidente.

Facebook Comments