Paghina ng piso kontra dolyar, hindi matibay na basehan para ikonsidera ang wage hike ayon sa DOLE‬

‪Kailangang balansehin ang pangangailangan ng mga empleyado at pangangailangan ng mga may-ari ng kompanya.‬
‪ ‬
‪Ito ang sagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa Laging Handa public press briefing sa harap na rin ng panawagan na taas sweldo dahil sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.‬
‪ ‬
‪Ayon sa kalihim, hindi uubra na kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin ay dapat dagdag sweldo rin.
‪ ‬
‪Pinag-aaralan aniya ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board na nasa supervision ng National Wages Productivity Commission kung saan chairman mismo ang DOLE secretary.‬
‪ ‬
‪Kaya naman ayon kay Secretary Laguesma, may mga ginagawang hakbang ang pamahalaan para makatulong sa mga Pilipino ito ay pagbibigay ng non-wages benefits gaya ng libreng sakay sa mga commuters at subsidiya sa mga public transport.‬
‪ ‬
‪Giit ng kalihim, hindi nila isinasawalang bahala ang hiling na dagdag sweldo, kailangan lang aniya ay mapanatili ang mga hanapbuhay.‬

Facebook Comments