Paghingi ng bayad ng isang presidential contender, fake news ayon kay Vice President Leni Robredo

Tinawag na fake news ni Vice President Leni Robredo ang ulat na umano’y paghinging bayad ng isang presidential contender para maging bise-presidente niya sa 2022 national election.

Ayon kay Robredo, bagama’t nakarating sa kaniya ang impormasyon ay wala naman itong katotohanan.

Hindi aniya kasama ang usapang pera sa lahat ng pulong na kaniyang dinaluhan.


Pakiusap naman ng pangalawang pangulo na wala nang magpapakalat ng maling balita at pairalin ang katotohan kasabay ng nalalapit na eleksiyon.

Facebook Comments