Paghingi ng deposito ng isang ospital sa Cebu bago gamutin ang sugatang pulis, pinapa-imbestigahan

Manila, Philippines – Pinapa-imbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Health ang napabalitang paghingi ng Chong Hua Hospital sa Cebu ng deposito bago gamutin si Police Officer 3 David Naraja Jr. na nasugatan sa operasyon.

Ayon kay Hontiveros, ang paghingi ng deposito o paunang bayad ng mga ospital ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Enhanced Anti-Hospital Deposit Law.

May katapat aniya itong parusa na apat hanggang anim na taong pagkakakulong at multang mula P100,000 hanggang 1-million pesos at maari ding matanggalan ng lisensya ang health facility.


Mariin naman itinanggi ng Chong Hua Hospital ang akusasyon at ikinatwriang na inakala lang ng pamilya ng pasyente na deposito ang ipinakita nilang partial billing amount.

Facebook Comments