Manila, Philippines – Maari nang makahingi ng kopya ng Statements of Assets, Liabilities and Networths o SALN ng mga kongresista.
Pero base sa House Resolution 2469, may access na ang publiko sa SALN ng mga mambabatas at regular na empleyado ng kapulungan ngunit kailangang aprubado ito ng mayorya ng mga mambabatas.
At kapag aprubado na ay kailangang magbayad ng 300 pesos kada isang kopya nito.
Ibig sabihin, kung nais makuha ang SALN ng lahat ng kongresista ay kailangang magbayad ng nasa ₱90,000.
Nakasaad din sa patakaran na hindi dapat gamitin ang SALN para sa invasion of privacy at manatili rin confidential ng pagkakakilanlan ng may-ari nito.
Facebook Comments