Paghingi ng Office of the President ng dagdag na pondo para sa Confidential at Intelligence Funds, kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang paglaki ng pondong hinihingi ng Office of the President (OP) para sa Confidential at Intelligence Expenses nito sa 2020.

Nabatid na mula sa P8.28 Billion na Surveillance Fund na nakapaloob sa 2020 Proposed National Budget P4.5 Billion ang direktang mapupunta sa OP.

Ayon kay Robredo bagama’t inaasahan ang paglaki ng pondo dahil na rin sa pagdami ng mga empleyado mahalaga pa ring malaman kung saan ito napupunta.


Ilang mambabatas na ang nanawagang silipin ang paglaki ng Intel Fund ng OP.

Nanindigan naman ang Malacañang na walang mali kung kalahati sa P8.28 Billion na Surveillance Fund ay mapupunta sa tanggapan ng pangulo.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangan ng pangulo ang malaking pondo para mapangalagaan ang Seguridad ng bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng palasyo na hindi makukurakot ang pera.

Facebook Comments