Paghingi ng sorry ng brodkaster na si Erwin Tulfo, tinaggap na ni DSWD Secretary Rolando Bautista pero may mga kondisyon

Tinanggap na ni Social Welfare And Development Secretary Rolando Bautista ang paghingi ng tawad ng brodkaster na si Erwin Tulfo.

 

Sa inilabas na pahayag ni Bautista, kailangan muna raw patunayan ni Erwin ang kaniyang katapatan sa paghingi ng tawad kung saan ilalathala ito sa dyaryo, maririnig sa mga istasyon ng radyo at ipopost sa mga social media platforms.

 

Sa halip din na bayaran ni Erwin ang danyos sa pagwasak sa kaniyang pagkatao, reputasyon at sa institusyon na kaniyang kinakatawan. Mas maigi na lamang daw na magbigay siya ng tatlong daang libong donasyon sa iba’t-ibang division o Departamento ng Philippine Military Academy, Philippine Army, PNP maging sa intermally displace person sa Marawi, mga ospital tulad ng Philippine Veterans Hospital, PNP Camp Crame Hospital, Philippine Army Hospital, V. Luna Hospital at educational trust fund para sa pag-aaral ng mga anak ng empleyado ng DSWD na idedeposito sa LandBank.


 

Nagpasalamat naman si Bautista sa lahat ng sumusuporta sa kaniya at asahan daw nila nagagawin niya ng maayos ang kaniyang tungkulin.

Facebook Comments