Hindi boluntaryo kundi hiningi ng pamahalaan ang pag-sorry ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana – inabot ng dalawang buwan ang negosasyon para rito.
Bukod dito, matagal na ring nag-sorry ang China sa insidente sa Recto Bank.
Pero kahit na nag-sorry na sila, hindi ito mangangahulugang lusot na sila sa pangyayari.
Tinanggap naman ng mga crew ng F/B Gem-Ver 1 ang pag-sorry pero giit nila na kahit magbayad pa ng danyos ang kapitan ng Chinese vessel ay kailangang managot pa rin ang mga ito.
Samantala, sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping kabagi, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na inako ng China ang responsibilidad sa insidente.