Nanindigan si National Disaster Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na hindi pa kakailanganin ng tulong ng ibang bansa para matulungan ang mga naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Jalad sapat pa ang pondo ng pamahalaan lalo nang Office of Civil Defense para itulong sa mga apektado ng lindol
Aniya ang DSWD at OCD ang nakatoka sa pamamahagi ng relief, habang ang DOH ang titiyak na hindi kakalat ang sakit sa mga evacuation center.
Aabot na aniya sa 41,000 family food packs ang naipamahagi na.
Sa datos ng NDRRMC, 21 na ang kumpirmadong nasawi sa magkakasunod na lindol, 2 naman ang nawawala sa bayan ng Makilala.
Habang hindi pa tapos ang assessment ng NDRRMC sa mga napinsalang infrastracture.