Hindi pa ikinukunsidera ng Department of Justice (DOJ) na humingi ng tulong sa Interpol para tugisin ang mga presong nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance na naka-alis na ng bansa.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, wala pa silang account kung sinu-sinong mga inmate na ang lumipad abroad.
Pero posible aniyang may mga nakatakas at nasa ibang bansa na.
Ang mahalaga ngayon ay sumuko ang mga bilanggo at kumpletuhin ang hindi pa natatapos na sentensya.
Facebook Comments