Nanawagan si Las Piñas City Representative Camille Villar na tuldukan na ang diskriminasyon laban sa mga kabilang sa LGBTQIA+ community.
Diin ni Villar, kailangan nating tanggapin at irespeto ang karapatan ng mga lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queers, intersex, and asexuals.
Ayon kay Villar, tayo ay pare-pareho, pantay-pantay sa lahat ng antas ng ating buhay kaya wala dapat diskriminasyon base sa sexual orientations, gender identities, at expressions.
Mensahe ito ni Villar, kasabay ng kanyang pagdalo ngayong araw sa aktibidad sa Las Pinas kaugnay sa selebrasyon ng Pride Month.
Facebook Comments