Paghinto ng operasyon ng ABS-CBN, may epekto sa ekonomiya

Ibinabala ni Senator Sonny Angara ang masamang epekto sa ekonomiya ng pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN.

Ayon kay Angara, hindi lamang media o broadcasting industry ang tatamaan kung saan maituturing na isang industry leader ang ABS-CBN.

Giit ni Angara, maaapektuhan din ang industriya ng advertising at creative industries o pursuits- producing, editing, music scoring, acting, directing, set design, atbp.


Naniniwala si Angara na ang hindi pagrenew ng House Committee on Legislative Franchises sa prangkisa ng ABS-CBN ay mayroon ding hindi magandang epekto sa press freedom o malayang pagbabalita at sa uri ng ating demokrasya.

Kumbinsido rin si Angara na walang nilabag na batas ang ABS-CBN base sa pahayag ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenue at ng Securities and Exchange Commission.

Facebook Comments