Hinimok ng OCTA Research group ang pamahalaan na resolbahin ang gusot sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Red Cross (PRC).
Ang OCTA Research group ay binubuo ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at University of Sto. Tomas.
Batay sa kanilang October 26 monitoring report, sinabi ni OCTA research group na nabawasan ang reported cases sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Batangas ng 40 hanggang 50% nang ihinto ng PRC ang testing services nito.
Bukod dito, mapaparalisa rin ang isolation, quarantine at contact tracing programs dahil hindi alam ng mga Local Government Units (LGU) kung ang isang indibiduwal ay tinamaan ng COVID-19.
Nabatid na umaabot sa higit ₱930 million ang outstanding balance ng PhilHealth sa Red Cross.
Una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa PRC.