Paghinto sa water interruption sa panahon ng ‘lockdown’, hiniling ng isang senador

Kinondena ni Senator Imee Marcos ang Maynilad at Manila Water sa patuloy na pagpapatupad ng water interruption sa kabila ng paglaganap COVID-19 at pagdedeklara ng pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Marcos, inilalagay sa panganib ng Maynilad at Manila Water ang buhay ng mamamayan sa pagpapatupad ng water interruption dahil na rin sa kahalagahan ng tubig sa pagharap ng problema sa COVID-19.

Sabi ni Marcos, ang palagiang paghuhugas ng kamay, pag-inom ng malinis na tubig at pagpapanatili ng personal hygiene ay malaking bagay para malabanan ang paglaganap ng COVID-19.


Diin ni Marcos, marami nang problema ang taong bayan, at sana naman maging bahagi ng solusyon ang Maynilad at Manila Water laban sa COVID-19.

Facebook Comments