Nagpaabot ng pagbati ang Department of Health (DOH) sa bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ito ay kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Senator Sonny Angara bilang bagong DepEd Secretary.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mag-partner ang kalusugan at edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa.
Ang pag-iwas at pagkontrol aniya sa mga sakit at ang promosyon ng magandang kalusugan ay nagmumula sa puso at isipan ng mga kabataan.
Kaugnay nito, iginiit ng DOH ang kahalagahan ng health literacy para sa Universal Health Care.
Naniniwala naman si Herbosa na excellent choice si Angara bilang bagong kalihim ng DepEd.
Facebook Comments