Isinusulong ngayon sa lungsod ng Dagupan ang pagtanggap sa mga senior citizen at mga PWDs na maaaring magtrabaho sa mga establisyemento.
Ayon kay Councilor Dennis Canto, ang nagsusulong nito ay dapat na maging bukas ang mga establishment sa lungsod sa pagtanggap sa mga ito na magtrabaho para sa kanila basta sila umano ay karapat dapat at angkop sa kanilang kakayanan.
Dagdag pa nya hindi dapat isantabi ang mga ito kung kaya pa nilang magtrabaho ng sa ganun ay makatulong sila.
Ang naturang ordinansa ay hango sa ginagawang pagtanggap ng mga senior citizen at PWDs sa Metro Manila na gusto gawin sa lungsod.
Magsasagawa muli ng session ang Sangguniang Panlungsod sa naturang ordinansa.
Facebook Comments