Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan na ang isinasagawang paghuhukay ng mga International at National Museum Archaeologist sa pangunguna ni Dr. Thomas Engicio ng bansang Pransiya sa Sitio Greenhills, San Pedro, Rizal, Kalinga.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Ms. Mylene Quinto Lising ng Ateneo de Manila University, isang anthropologist at representative staff ng National Museum aniya, apat na taon na umano silang pabalik-balik sa naturang archaeological site upang ipagpatuloy ang kanilang paghuhukay sa mga fossils ng mga hayop at stonetools na nagkakaedad ng pitongraan at siyam na libong taon.
Marami na umano silang nahahanap na fossils ng mga hayop subalit malaking hamon umano sa kanila ang pagbabago ng panahon dahil sa hindi magandang klima.
Ayon pa kay Ms. Lising na malaki umano ang kanilang paniniwala na meron ng taong nabuhay sa naturang site na nagkaka edad ng pitongraan at siyam na libong taon dahil noong isinailalim umano nila sa laboratoryo ang kanilang mga naunang nahukay na artepakto ng mga hayop gaya ng Rhinoceros ay malaking ebidensya umano ito na kinatay ito ng mga sinaunang tao.
Isa rin umano sa kanilang naging ebidensya ay ang kanilang mga nahukay na stone tools na ginamit ng mga sinaunang tao sa pagkatay sa Rhinoceros.
Inihayag rin ng nasabing arkeologo na mga Fossils pa lamang ng mga hayop ang kanilang nahuhukay sa ngayon at mga stone tools na ginamit ng mga sinaunang tao.
Samantal, patuloy lamang umano ang kanilang pananaliksik kung paano nakarating dito sa Northern Luzon ang mga tao at kanila ring inaanyayahan ang lahat na saksihan ang kanilang isinasagawang paghuhukay.