Pinaalalahanan ni Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang mga employers na huwag sasablay sa paghuhulog para sa pension contributions ng kanilang mga empleyado.
Giit ni Nograles, responsibilidad ito ng mga kompanya o employer para sa kanilang mga empleyado.
Mensahe ito ni Nograles, makaraang ihayag ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa 466,881 employers sa buong bansa ang hindi nakapag-remit ng mahigit P92.49 billion halaga ng premium collections sa Social Security System (SSS) noong nakaraang taon.
Diin ni Nograles, nakasalalay sa mga koleksyong ito ang kakayahan ng SSS na patuloy na ibigay sa mga miyembro ang claims at benefits na karapatan nilang matanggap.
Bunsod nito ay binalaan ni Nograles ang employers na huwag ng hintayin na masampahan pa sila ng kaso dahil sa kapanayaan na mabayaran ang SSS contributions ng kanilang mga empleyado.