Manila, Philippines – Ipinagbabawal muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli at pagkain ng mga shellfish sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil sa pagkakaroon ng red tide toxins.
Ayon sa advisory ng BFAR, nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish Masbate, Samar, Leyte, Iloilo, Palawan, Negros Oriental at Davao Oriental matapos ang pagsusuri na lagpas sa regulatory limit.
Kabilang sa mga lugar na ipinagbawal na manguha ng shellfish ay ang coastal waters ng Mandaon at Placer sa Masbate; Irong-Irong, Marqueda Bay at Villareal Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Balite Bay, Mati sa Davao Oriental; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Inner Malampaya Sound, Taytayat Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Coastal Waters Nggigantes Island, Carles sa Iloilo at Coastal Waters ng Daram Island sa Western Samar.