Puspusan pa rin ang isinasagawang pagkabit ng regulatory sticker para sa mga tricycle sa Dagupan City dahil hanggang ngayon ay nasa mahigit dalawang libo pa ang hindi nainstallan ng nasabing sticker.
Bukod sa layunin nitong ma-identify ng publiko ang mga lihitimong tricycle operators sa lungsod at pagsisiguro na ang mga pumapasadang tricycle ay sumusunod sa ipinatutupad na fare rate, kinakabitan ang mga tricycle ng regulatory sticker dahil sa buwan ng Abril ay umpisa nang manghuhuli ang POSO ng mga colorum na sasakyan.
Ilan pang mga tricycle ay bagsak din sa inspeksyong isinasagawa kaya’t walang permisong madikitan dahil sa kakulangan ng ilang mga kinakailangang accessories tulad ng mga headlights, side mirror, horn at iba pa.
Samantala, nagpapatuloy hanggang ngayon ay ang pag-install na nasabing regulatory sticker para sa pampasaherong mga sasakyan na pumapasada, maging ang mga jeep sa nakatakdang schedule para sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments