Opisyal nang inaalis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 ang closed season ng “President’s Fish” o Ludong kahapon, Nobyembre 15, 2022.
Kaugnay nito, maaari na muli ang panghuhuli, pagbebenta, pagluwas, at pag-export ng lobed river mullet o ludong.
Alinsunod sa Bureau Administrative Order (BAC) No. 247 series of 2013, idineklara ng BFAR ang closed season para sa naturang isda simula noong October 1 hanggang November 15 upang mabigyang pagkakataon ang mga buntis na Ludong na makapangitlog at makapagparami.
Ang Ludong o tinaguriang President’s Fish ay itinuturing na pinakamahal na isda sa buong Pilipinas.
Ito ay nahuhuli lamang sa ilog Cagayan at Abra sa hilagang Luzon.
Facebook Comments