PAGHULI SA MGA GUMAGAMIT NG ILLEGAL MUFFLERS SA SAN FABIAN, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang San Fabian Police Station sa paghuli at pagkumpiska ng mga motorsiklong may nakakabit na illegal mufflers o sobrang maingay na tambutso sa kanilang nasasakupan.

Batay sa tala ng pulisya mula Disyembre 1, 2025 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 27 ang kabuuang bilang ng mga nakumpiskang mufflers.

Malinaw umanong paglabag ito sa Municipal Ordinance No. 17-S-2018 o Muffler Ordinance of 2018, na nagbabawal sa paggamit ng mga tambutsong nagdudulot ng labis na ingay.

Samantala, maging sa iba pang bayan at lungsod sa lalawigan ay mahigpit na pinapaalalahanan ang publiko laban sa paglalagay at paggamit ng illegal mufflers, lalo na sa paggamit ng mga ito sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments