Paghuli sa mga hindi otorisadong lumabas ng bahay at bumyahe ngayon umiiral ang ECQ, mas paiigtingin ng PNP

Inutos na ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang pagaresto sa lahat ng mga nasa labas ng bahay at mga bumabyahe na hindi naman otorisado ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Gamboa suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad na ang total lockdown dahil marami pa rin ang lumalabag sa quarantine protocols partikular ang patuloy paglabas ng bahay kaya nawawalan saysay ang community quarantine.

Direktiba rin ni PNP Chief sa lahat ng PNP Units na magpatupad ng crackdown sa mga illegal activities na lumalabag sa social distancing ngayong umiiral ang ECQ katulad ng pagsasabong, card games, mah-jong at mga nagiinuman sa mga public places.


Sa pagsita sa mga unauthorized travel inutusan ni Gamboa ang PNP HPG at NCRPO katuwang nila ang  MMDA na gagawin sa mga  major thoroughfares sa Metro Manila.

Ang mga Police Regional Police Offices naman ang mahigpit na magpapatupad ng pagbabawal na lumabas ng bahay batay na rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Inaasahan naman ni Gamboa na susundin ng lahat ng PNP Regional Directors ang mga utos ng Pangulo.

Pakiusap naman ni Gamboa sa publiko na magsakripisyo pa para hindi na tumagal pa ang community quarantine para maiwasan na ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments