PAGHULI SA MGA KAMBING NA NANINIRA NG PANANIM, IPINATUTUPAD SA BRGY. SAN LUIS

CAUAYAN CITY- Nagpatupad ng bagong ordinansa ang pamunuan ng Brgy. San Luis hinggil sa panghuhuli sa mga alagang kambing na pagala-gala sa kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Ramon Quebral, kanilang ipinatupad ang ordinansang ito noong nakaraang buwan dahil sa sunod-sunod na reklamo ng mga residente sa mga alagang kambing na kumakain ng mga tanim na mais at gulay.

Aniya, bago pa man ipatupad ang ordinansa ay pinulong ang mga nag-aalaga ng kambing at binanggit rito ang mga kaukulang multa kapag nahulihang lumabag rito.


Simula nang maipatupad ito ay marami sa mga residente ang nasampolan at pinagbayad ng kaukulang multa.

Samantala, hinihiling naman ni Kagawad Quebral ang kooperasyon ng mga residente na sumunod sa naturang ordinansa upang hindi mapatawan ng kaukulang multa.

Facebook Comments