Paghuli sa mga Nakakalat na Alagang Baka sa Lansangan, Ipinag-utos ng Isang Konsehal!

*Cauayan City, Isabela-* Ipinag-utos ni Cauayan City Councilor Cynthia Uy katuwang ang kapulisan ang paghuli sa mga nakakalat na alagang baka.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Uy, layunin aniya nito na maiwasan ang pagkakasangkot sa aksidente ng ilang mga motorista lalo na sa madaling araw.

Nilinaw nito na kung sakaling mahuli ang mga nakawalang baka at walang naghanap o nag-claim sa loob ng limang araw ay kakatayin ito sa tulong ng Foodbank at ipapakain sa mga batang nasa lansangan.


Nakasaad anya sa Ordinansa ng Lungsod na dapat nakalagay o nakapastol sa tamang lugar ang mga alagang hayop gaya ng kalabaw at baka.

Patuloy naman ang ginagawang koordinasyon ng konsehal sa kapulisan at sa tanggapan ng City Veterenarian Office kaugnay sa nasabing usapin.

Facebook Comments