Positibo ang tugon ni NCRPO Chief Major General Guillerlo Eleazar sa pagpapasara ng Pangulo sa mga palaro ng PCSO.
Kabilang sa tigil operasyon ang STL, lotto at peryahan ng bayan.
Ayon kay General Major Eleazar, wala ng lusot sa ngayon ang mga jueteng lord at player dahil halatado sila kapag itinuloy pa ang ilegal na sugal.
Paliwanag ni Elezar, ginagamit na panangga ng jueteng ang STL para makalusot sa kaso.
Dati kasi kapag nahuli ang suspek ng dahil sa jueteng magpapakita lang ito ng ID at dokumento na sila ay sa STL at dito na sila makakalusot sa kaso.
Samantala, asahan na ng publiko na susuyurin ng NCRPO ang Metro Manila para arestuhin ang mga sangkot sa ilegal na sugal kabilang na ang jueteng.
Facebook Comments