Paghuli sa mga sasakyan na may plakang 8, hiniling ng Kamara

Hiniling ng House of Representatives sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na hulihin ang driver ng mga sasakyan na may plakang 8 at kumpiskahin ang nabanggit na expired at huwad na plaka.

Panawagan ito ni House Secretary General Reginald Velasco sa Land Transportation Office (LTO) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Diin ni Velasco, hindi nagbigay ng ‘8’ na plaka ang Kamara at hindi rin ito nagbigay ng awtorisasyon sa mga kasaping mambabatas para sa paggamit ng official plates sa kanilang mga sasakyan.


Ang pahayag ay ginawa ni Velasco kasunod ng mga report ng pagdaan sa EDSA Busway ng ilang sasakyan na may taglay na protocol plates tulad ng 8.

Facebook Comments