Paghuli sa mga sasakyang dumadaan sa EDSA Busway, nagpapatuloy pa rin – IACT

Patuloy pa rin ang panghuhuli ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway sa Pasay City.

Karamihan sa mga nahuling motorista ay batid na bawal dumaan ang mga pribadong sasakyan sa EDSA Busway.

Ayon sa ilang lumabag dito ay nagiging dahilan ng mga motorista kaya sila dumadaan sa EDSA Busway ay nata-traffic sila dahil sa mga jeep na nagsasakay ng mga pasahero.


Sinabi naman ng law enforcer ng IACT, may katumbas na puntos ang traffic rules na nalalabag ng mga motorista batay sa Land Transportation Office (LTO) Demerit System sa ilalim ng RA 10930.

Ang mga nahuling sasakyan ay karaniwang nakakauha ng five demerit points, depende pa kung mayroon pa itong nalabag.

Kinakailangan na matubos ang kanilang lisensya sa punong tanggapan ng LTO sa Quezon City at sumailalim sa reorientation course at kinakailangang maipasa ang exam bago sila payagan muling makapagmaneho.

Samantala, makakaapekto rin ang demerit points na kanilang makukuha para sa pag-renew ng kanilang lisensya.

Kung halimbawa na ang isang motorista ay umabot na sa 40 demerit points ang nakuha ay mare-revoke ang kanyang lisensya at hindi makakapagmaneho sa loob ng dalawang taon.

Facebook Comments