Paghusga sa mga kandidatong magsasamantala sa Traslacion, ipinauubaya na sa mga botante

Manila, Philippines – Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa mga pulitiko na dumistansya muna sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno bukas.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mainam na ipaubaya na lamang ng mga pulitiko ang pagiging sagrado ng okasyon sa mga deboto.

Ito ay bagaman at wala namang opisyal na pagbabawal para mangampanya ang mga pulitiko sa Traslacion.


Ipinauubaya na rin ng Comelec sa mga botante ang pagpapasya kung paano nila huhusgahan ang mga pulitikong magsasamantala sa aktibidad.

Aminado ang Comelec na hindi pa nila maaring panghimasukan ang maagang pangangampanya ng mga pulitiko dahil hindi pa naman pumapasok ang campaign period.

Facebook Comments