Pagiging administrator ng yaman ni Pastor Quiboloy, dapat ipaliwanag ni dating Pangulong Duterte

Para kay House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, mahalagang maipaliwanag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kung bakit siya ang napili ni Pastor Apollo Quiboloy na maging administrator ng yaman nito.

Sabi ni Garin, hindi maiwasan na mayroong mag-isip na mayroong itinatago si Quiboloy sa kanyang mga kayamanan kaya isang makapangyarihang indibidwal tulad ng dating pangulo ang kinuha nitong tagapamahala na yaman.

Ipinunto ni Garin na mayroon kasing kinahaharap na imbestigasyon si Quiboloy kaugnay sa alegasyon ng tax evasion o ill-gotten wealth kaya napagdududahan ang pinagmulan ng yaman at mga negosyo nito.


Bunsod nito ay binigyang diin ni Garin na magandang si dating Pangulong Duterte na rin ang mismong sumagot at magpaliwanag hinggil dito.

Maging si ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ay nagpahayag din ng pagkabahala sa ugnayan nina Duterte at Quiboloy lalo at mayroong lumutang na isyu ng money laundering.

Facebook Comments