Iginiit ng isang infectious disease expert mula sa University of the Philippines (UP) na batid ng mga ospital sa bansa na maaaring airborne ang COVID-19.
Kasunod ito ng panawagan ng mga siyentipiko sa World Health Organization (WHO) na repasuhin ang rekomendasyon nito tungkol sa transmission ng sakit.
Paliwanag ni UP Institute of Molecular Biology and Biotechnology Director Dr. Edsel Salvana, lahat ng procedure ng mga ospital ay nakabase sa tsansang posibleng napapasa ang Coronavirus sa hangin.
Pero sa ngayon, nanatili pa ring main mode ng transmission mula sa respiratory droplet na nanggagaling sa pagsasalita, pagbahing o pag-ubo ng isang COVID-19 patient.
Facebook Comments