Pagiging alerto at paghahanda kaugnay sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, panawagan ng isang kongresista

Nanawagan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ng agarang paghahanda, ibayong pag-iingat at mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko lalo na ang mga Bicolano.

Mensahe ito ni Co makaraang isailalim sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.

Diin ni Co, dapat iprayoridad ang kaligtasan ng mga komunidad sa paligid ng Bulkang Mayon para maibsan ang peligrong idudulot ng aktibidad ng bulkan.


Pinayuhan naman ni Co ang lahat na maging kalmado at updated sa mga impormasyon ukol sa sitwasyon o kondisyon ng bulkan at sundin ng mahigpit ang anunsyo ng kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan.

Facebook Comments