Cauayan City, Isabela- Isinusulong ng SM City Cauayan ang pagiging ‘Bike-Friendly’ bilang alternatibong paraan ng transportasyon at mapalakas ang kultura pagdating sa pagbibisikleta.
Ayon kay Sheila Marie Estabillo, SM City Mall Manager, ang pagkakaroon ng laan na pasilidad ay bilang pagsuporta sa pagbibisikleta sa mga magtutungo sa mall at isang paraan naman para sa aktibong pangangatawan ng isang indibidwal.
Aniya, ang pagpasok sa trabaho at pamamasyal sa mall ay isang praktikal na daan na maisama sa regular na pag-eehersisyo.
Layunin din ng pagiging bike-friendly ang isang maayos na kalusugan at environment-friendly sa panahon ng new normal.
Facebook Comments