Pagiging bukas ng pangulo sa muling pagpapatuloy ng peace talks sa NDF, ikinatuwa ng ilang mambabatas

43
Welcome para sa Makabayan Bloc ang pagiging bukas muli ni Pangulong Duterte sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front o NDF.
 
Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, umaasa sila sa Makabayan na magpapatuloy muli ang peace talks sa April 2 hanggang 6 na orihinal na naka-schedule noon pang Enero matapos ang ikatlong paguusap na ginawa sa Rome.
 
Ang pagpapatuloy ng peace talks ay tiyak na magpapalawak sa mga naunang napagkasunduan na socio-economic, political at constitutional reforms ng pamahalaan at NDF.
 
Nanghihinayang si Zarate dahil malayo na ang narating ng usapin kaya hindi dapat ito iabanduna o balewalain ng pamahalaan.
 
Sa Kamara, nasa 140 mga mambabatas ang may-akda at pumirma para sa House Resolution 769 o ang resumption ng peace negotiations.

Facebook Comments