Nakikiisa ang Presidential Communications Office (PCO) sa obserbasyon ng World Suicide Prevention Day 2024.
Ayon sa PCO, layunin ng pagdiriwang na maging normal at mas bukas ang usapan na may kinalaman sa mental health at hindi dapat ikapangamba na talakayin ang ganitong usapin.
Hindimok din ng ahensya ang publiko na magtulungang ipalaganap ang kamalayan at palakasin ang suporta para sa mental health ng bawat Pilipino.
Kung kailangan ng tulong, maaaring tumawag sa mga numero ng National Mental Health Crisis Hotline, Hopeline PH Landline, at Dial-a-Friend na naka-post sa PCO FB Page.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Changing the Narrative on Suicide” kung saan hinihikayat ang lahat na makibahagi sa kampanyang “Start the Conversation.”