Manila, Philippines – Welcome kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison ang pananatiling bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks.
Sa inilabas na statement ni Sison sa website ng National Democratic Front of the Philippines, sinabi nitong kailangan ng peace negotiation ng magkaaway bago sila maging magkaibigan at magkatuwang sa pagtulong sa mga Pilipino.
Aniya, hindi nagbabago ang polisiya ng NDFP na maging bukas sa usapang pangkapayapaan sa rehimeng duterte sa kabila ng determinasyon ng ndfp na mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi maaaring tuluyang isara ang pakikipag-usap sa komunistang grupo kahit nagpapalitan sila ng maaanghang na patutsda ni Sison.