Pagiging college graduate, hindi dapat isama sa kwalipikasyon para maging senador

Manila, Philippines – Kapwa tinutulan nina Senators Nancy Binay at Grace Poe ang mungkahi na isama ang pagiging college graduate sa mga kwalipikasyon para maging senador base sa nakapaloob sa draft federal constitution ng Kamara.

Katwiran ni Senator Binay, hindi naman nakikita ang sinseridad na maglingkod sa mamamayan kung nakapagtapos sa kolehiyo.

Diin ni Binay, ito ay isang diskriminasyon lalo pa at maraming naging senador na hindi nakapagtapos sa kolehiyo ang naging mahusay sa pagganap sa kanilang trabaho.


Paliwanag naman ni Senator Poe, mas importante ang pagkatao kumpara sa narating o napag-aralan.

Ipinunto pa ni Poe na sa isang demokrasya, ay hindi puwedeng sabihin na kailangan college graduate lang ang kakandidato dahil dapat lahat ay may representasyon.

Facebook Comments