Mariing itinanggi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay corrupt o tiwali.
Ayon kay Drilon, simula ng lumahok siya sa public service noong 1986, ay mahigpit siyang sumunod sa highest moral standards.
Diin ni Drilon, tiniyak niya ang pagtalima sa itinatakda ng Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga Public Officials and Employees at sa ating anti-graft laws.
Sa katunayan, ayon kay Drilon, sa loob ng 32 taon niya sa public service ay hindi siya nagkaroon ng reklamo o kaso ng corruption sa Ombudsman o Sandiganbayan.
Ipinagmalaki pa ni Drilon na malinis ang record niya pati ang kanyang konsensya at pinoprotektahan niya ang pangalan ng kanyang pamilya.
Binanggit ni Drilon na bukod sa mga batas na kanyang ini-akda sa loob ng 23 taon na pagiging senador ay nais din niyang iwanan sa kanyang pagreretiro sa pulitika sa susunod na taon ang kanyang mabuting pangalan.