Target ng lokal na pamahalaan ng Caba, La Union na makamit ang pagiging debt-free municipality matapos nitong tuluyang mabayaran ang natitirang obligasyon at loan balance na nagkakahalaga ng ₱15.9 milyon.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan, ang naturang bayad ay nagresulta sa ganap na pagkalinis ng ₱25 milyong pautang na inutang ng munisipalidad noong Hunyo 13, 2024.
Kinumpirma rin ng Development Bank of the Philippines ang buong pagbabayad ng term loan ng munisipalidad sa isang liham na ipinadala sa LGU noong Enero 14, 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang hakbang na ito ng pagsusulong ng responsableng pamamahala, transparency sa pananalapi, at wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Inaasahang makatutulong ang pagiging malaya sa utang ng bayan upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng mga serbisyong panlipunan at mga programang pangkaunlaran para sa mga residente.
Facebook Comments







