Pagiging disiplinado at mahusay sa serbisyo, kailangan ng susunod na bise-presidente

“Disiplina, mahusay at episyenteng serbisyo”

Ito ang sagot ni Senator Sherwin Gatchalian nang tanungin kung ano ang maibibigay niya sa bansa kung sakaling maging bise-presidente siya.

Sa isang interview sinabi ni Gatchalian na bukas ito sa pagtakbo bilang bise presidente lalo at dumarami ang mga katunayan na maganda ang kaniyang track record ng senador sa kanyang 20 taon sa serbisyo.


Una na ring sinuportahan ang Senador ng isang article na sinulat ni Boo Chanco kung saan dapat na “young and experienced” ang susunod na magiging bise presidente.

Sa ngayon, wala pang pormal na deklarasyon si Gatchalian sa kaniyang pagtakbo.

Facebook Comments