Pinuri ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang ipinamalas na disiplina ng mga taong nakikiisa sa tatlong-araw na National Vaccination drive “Bayanihan, Bakunahan” na nagsimula nitong Lunes.
Aniya, naging mas madali ang trabaho ng mga tauhan ng PNP na naka-deploy sa vaccination centers dahil sa “good behavior” at pagsunod ng mga Filipino sa health protocols.
Mahigit 15,000 pulis ang dineploy ng PNP sa vaccination sites para magmantini ng seguridad.
Habang 3,640 tauhan ng Medical Reserve Force at vaccinators, at 2,365 encoder and technical support personnel ng PNP ang dineploy para tumulong sa mga DOH-NVOC vaccination teams.
Pinagamit din ng PNP bilang vaccination sites ang siyam na kampo sa iba’t ibang Police Regional Offices.