Pinasalamatan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang lahat ng mga tauhan ng Pambansang Pulisya na bolunyaryong sumailalim sa random drug testing.
Ayon kay Acorda, ang resulta ng patuloy na random drug testing sa mga pulis ay positibong indikasyon na nagbubunga ang pagsisikap ng PNP na gawing drug-free ang kanilang hanay.
Mula Enero ng taon hanggang sa kasalukuyan, mahigit 116,000 tauhan ng PNP ang sumailalim sa random drug testing kung saan 25 lang ang nag-positibo.
Sa bilang nito, 8 ang na-dismiss sa serbisyo, isa ang nag-resign, at sumasailalim naman sa summary hearing ang iba.
Aniya, kumakatawan lamang ito sa .02 percent nang lahat ng tauhan mga ng PNP na malaki ang ibinaba sa mahigit 200 na nag-positibo noong 2016.
Kasunod nito, tiniyak ni Acorda na magpapatuloy ang paglilinis sa kanilang hanay para masiguro ang integridad at propesyonalismo sa organisasyon.