Pagiging duty free at tax free ng mga balikbayan boxes, muling ipinaalala ng BOC

 

 

Muling ipinaalala ng Bureau of Customs (BOC) na duty at tax free ang mga balikbayan boxes na nanggaling sa ibang bansa.

 

Ayon sa BOC, ikinukunsiderang qualified filipinos while abroad (qfwa) ang mga overseas filipino workers (ofw) na mayroong valid passport mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Bago mawalan ng tax ang balikbayan box, kailangan anila ay nagtatrabaho ang ofw at certified ng ilang ahensya ng pamahalaan.


 

Paliwanag pa ng BOC, para makunsiderang duty at tax free, kailangan lamang magsumite ang sender ng information sheet na makukuha sa website ng BOC.

 

Para naman sa tax exemption, kailangan ay mayroong tax exemption endorsement mula naman sa Department of Finance (DOF).

Facebook Comments