Pagiging Emosyunal Ni Pnp Chief. Ronald “Bato” Dela Rosa – Nauunawaan Ni Pangulong Duterte…..Ilang Pahayag Ni Kerwin Esp

5

MANILA – Ramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bigat na pinapasang responsibilidad ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa.Ito ang naging reaksyong ng Pangulong Duterte matapos ang pagiging emosyunal ng PNP Chief sa pagdinig ng Senado sa iligal na droga sa bansa at naiyak pang inaming nahihirapan na siya pero kailangang ituloy ang laban.Sa pagdating sa bansa matapos dumalo sa APEC Summit, sinabi ni Pangulong Duterte na nauunawaan nito kung ano ang pinagmumulan ni Bato.Naikumpara din ni Duterte ang trabaho niya kay Dela Rosa sa patuloy na kampanya nito sa iligal na droga at kurapsyon na kinakailangan ang lakas ng loob.Samantala, duda naman ang Pangulo sa ilang isiniwalat ni Kerwin Espinosa sa pagdinig kahapon sa Senado.Maging ang pahayag ng driver/lover ni Senator Leila De lima na si Ronnie Dayan na hindi ito humingi ng tulong sa Senadora habang nagtatago ay hindi din pinaniwalaan ng Pangulo.

Facebook Comments