Hiniling ni Deputy Speaker Loren Legarda na palakasin ang pagiging “financially independent” ng mga kababaihan.
Ito ang naging mensahe ng mambabatas sa paggunita ng “International Day for the Elimination of Violence Against Women.”
Itinutulak ng lady solon ang women economic empowerment para matulungan ang mga kababaihan na umunlad sa kanilang sariling kakayahan at mabigyan ng pagkakataon na maging financially independent.
Makikita ito sa mga batas na iniakda ng kongresista tulad ng MSME Law at Barangay Kabuhayan and Skills Training Act.
Paliwanag nito, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na resources at pantay na access sa mga programang pangkabuhayan ay nabibigyan din ng dagdag na kakayahan ang kababaihan na pangalagaan at ipaglaban ang kanilang karapatan.