Inaasahan ng gobyerno na sa pagsapit ng halalan sa 2022, lahat ng botante sa bansa ay nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahalaga ito dahil ito ang magdidikta sa kung paano ang gagawin ng Commission of Elections (Comelec) sa 2022 national elections.
Aminado naman si Nograles na pagdating sa eleksyon, ang Comelec ang mayroong pinal na desisyon sa ipatutupad na polisiya.
Matatandaang una nang sinabi ng Comelec na pumalo na sa 60 million ang nagparehistro para bumoto sa 2022 national elections.
Malapit ito sa kanilang minimum target na 61 million registered voters.
Facebook Comments