Ipinakita ng isang business owner ang tunay na kahulugan ng pagiging hands-on sa pagpapatakbo ng negosyo sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Sa interview ng Business as Usual ng DZXL 558 Radyo Trabaho, sinabi ni Carels Ann Rodriguez Ramos, may-ari ng BeauTEAful Café na hindi lamang maganda ang kanilang pinaglilingkuran kundi maging ang pag-iisip ng iba’t ibang produktong ihahain sa madla upang pumatok at hanap-hanapin ng panlasa.
Aminado naman si Carels na nakakaranas ng ups and down sa loob ng 6 buwang pagpapatakbo ng negosyo, pero tinitiyak nito ang magandang relasyon sa customer upang mapanatiling maganda ang takbo ng BeauTEAful Café.
Facebook Comments