Pagiging happy at optimistic, sikreto sa pagsisimula at paglago ng negosyo

36

Hindi hadlang ang mga pagsubok upang makapagsimula at magpalago ng isang negosyo.

Ito ang motibasyon ng may-ari ng isang local merchandise na maliban sa pagnenegosyo ay isa ring pastoral practitioner.


Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ni Nelvin Pangilinan, Owner ng Mahinahon Local Merch na tanging kasiyahan ang kaniyang susi upang mapanatiling matatag ang kaniyang negosyo.

Aniya, pinag-isipan at pinaglaanan niya ng oras kung anong itatawag sa kaniyang negosyo hanggang sa istilo ng kaniyang produkto upang masigurong magiging matagumpay ang lahat.

Para maka-order sa Mahinahon Local Merch, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page @mahinahonlocalmerch.

Facebook Comments