Itinuturing na malaking hamon ng Philippine National Police (PNP) ang pangungulelat ng Pilipinas sa listahan ng mga pinakaligtas na bansa sa buong mundo.
Ito ay matapos maitala ng isang international business magazine na nasa panghuling pwesto ang bansa sa kabuuang 134 na mga bansang naglaban-laban.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, magiging hamon ito sa ahensiya upang pagbutihin pa ang pagpapatupad ng peace and order sa buong bansa.
Ilan naman sa mga nakikitang dahilan kung bakit nangulelat ang Pilipinas ay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naitalalang krimen sa bansa.
Matatandaang ilan sa mga kadahilanang pinagbasehan sa survey ay ang; war and peace, personal security, natural disaster risk kasama na ang naging epekto ng COVID-19.